Linggo, Marso 12, 2017

   Ang Sektor ng Ekonomiya

    Sa ekonomiya ng isang bansa may mga maituturing tayong iba't-ibang sektor pang-ekonomiya na sasagot sa pagtukoy ng sarili nitong pagsulong tungo sa kaunlaran o pag-unlad. 

Ang kaunlaran ay tumutukoy sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya at kagamitan, pangkalahatang pagbuti o lebel ng pamumuhay sa lipunan, at pagbabago ng pangkabuhayang gawain mula agrikultura patungo sa sektor ng industriya.

     Sektor ng Industriya
 Ang industriyalisasyon ay kalagayan ng isang ekonomiya na nagpapakita ng kapasidad at kakayahan ng isang bansa na makalikha ng maraming produkto mula sa mga hilaw na materyales na tutugon sa mga pangangailangan ng lokal at pandaigdigang pamilihan. 

 Ito ay may dalawang uri ang Primary Industries ito  ay ang mga industriya na mula sa agrikultura, paggugubat, at pagmimina. At ang Secondary Industries ay tumutukoy sa mas komplikadong gawain, mula sa pagproseso ng mga pangunahing produktong agrikultura. 

  Mga suliraning kinakaharap ng Industriya


1. Kawalan ng sapat na puhunan
      - ang ating industriya ay nahihirapang palawakin o paunlarin dahil wala itong sapat na kakayahang pondohan ang negosyo o industriya.

2. Kakulangan ng suporta at proteksyon ng pamahalaan
      - ang ating mga industriya ay nangangailangan ng suporta ng pamahalaan pagdating sa pagbibigay ng puhunan sa mga maliit na negosyo o industriya tulad ng medium scale industries.

3. Hindi angkop ang proyekto ng pamahalaan
    - marami ang proyekto ng pamahalaan na ipinapatupad ngunit ito'y hindi napapakinabangan ng industriya kaya maraming nasayang na pondo na ginamit sa pagpapatupad nito.

4. Pagiging import independent ng mga industriya
   - ang kinikitang dolyar ng industriya ng bansa sa mga page-export ng mga produkto ay ginagamit ding pambili ng mga dayuhang produkto sa kadahilanang kailangan din ito ng ating industriya upang umunlad.

5. Pagpasok ng mga dayuhang kompanya
   - marami sa mga multinasyonal na korporasyon at dahuyang negosyante ay nagigin direktang kakompitensya ng mga lokal na kompanya at ng mga namumuhunang Pilipino.


Mga solusyon ukol sa suliranin ng Industriya



1. Dapat ay magkaroon ng sapat na pondo ang industriya upang mas mapalawak at mapaunlad industriya sa ating bansa. 

2. Kailangan ipatupad ng pamahalaan ang protectionism sa mga industriya sa pamamagitan ng pagtatakda ng taripa at kota sa mga dayuhang produkto upang umunlad ang lokal na industriya.

3. Dapat angkop ang proyekto ng pamahalaan upang mas mabigyan ng pondo ang industriya.

4. Dapat tayo'y hindi import independent para mas mapaunlad ang industriya ng bansa.

5. Dapat ay hindi kakompetensya ng lokal na kompanya ang mga dayuhang kompanya, at mas pautangin ng lokal na bangko ang mga lokal na kompanya kaysa dayuhang kompanya.




Sektor ng Agrikultura

  Ang agrikultura ay isang agham at sining na may kinalaman sa pagpaparami ng mga hayop at mga tanim o halamanan. Ang bawat gawain ng sektor na ito'y may malaking maitutulong sa bawat pamumuhay ng mga tao at ng bansa.



  Ang sektor ng agrikultura ay may malaking gampanin sa pagpapaunlad ng bansa. Ito ay binubuo ng apat na subsectors :

1. Pagsasaka / Paghahalaman
    - tumutukoy sa mga pangunahing pananim ng bansa tulad ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako, at abaka.

2. Paghahayupan
  -mga pangunahing inaalagaan ang mga kalabaw, baka, kambing, baboy, manok at pato. 

3. Pangingisda
  - ang Pilipinas ang pinakamalaking prodyuser ng isda sa buong mundo. Nahahati ang industriya ng pangisdaanng komersyal, munisipal at aquaculture.

4. Paggugubat / pangangahoy
  - ito'y tumutukoy sa mga yamang-gubat kagaya ng troso, plywood, tabla, at iba pang yaman na nakukuha sa mga punong kahoy sa kagabutan.


  Mga Suliranin ng Agrikultura


1. Epekto ng polusyon sa pangisdaan
  - Ang mga dumi ng tao, mga kemikal na sangkap sa mga abono o pataba na gamit sa pagtatanim, at mga kemikal na mula sa mga pabrika ay pumapatay sa mga anyong-tubig ng bansa. Dahil sa polusyon, ang mga yamang-tubig ay naaapektuhan at maaaring makaapekto rin sa mga mamamayan sa pagdating ng panahon.

2. Mabilis na pagkaubos ng mga likas na yaman lalo na ng kagubatan
Malawakan ang paggamit sa ating mga likas na yaman. Mabilis na nauubos ito dahil sa mga pangangailangan sa mga hilaw na sangkap sa produksiyon tulad ng mga troso at mineral.
-Dahil dito, nababawasan ang suplay ng mga hilaw na sangkap na ginagamit ng mga industriya. Sa pagkawala ng mga kagubatan, nawawalan ng tirahan ang mga hayop kaya hindi sila makapagparami.

3. Pagliit ng lupang pansakahan
 - Ang patuloy na paglaki ng populasyon, paglawak ng panirahan, komersiyo, at industriya ay nagdudulot ng pagliit ng mga takdang lupain para sa pagsasaka.

4. Climate Change
-Ang patuloy na epekto ng Climate Change ay lubhang nakaaapekto sa bansa.

5. Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda
-Ang mababang kita sa uri na ito ng hanapbuhay ay hindi naghihikayat sa mga batang miyembro ng kanilang pamilya na manatili sa sektor. Dahil dito, karaniwan ng makikita ang kanilang pagpunta sa mga kalunsuran upang makipagsapalaran.

 Mga Solusyon ukol sa suliranin ng Agrikultura


1. Dapat ay iwasan natin ang polusyon at hangga't maari ay linisin natin ang ating kapaligiran.

2. Hindi dapat natin sirain ang kalikasan, dapat natin itong alagaan dahil tayo din naman ang makikinabang dito.

3. Dapat ay mabigyan ng sapat na lupang pangsakahan ang mga magsasaka, at dapat hindi natin sinisira ang mga lupang ito. Dapat din na hindi tayuan ng malalaking gusali o establisyamento ang mga lupang pangsakahan, dahil kung wala ang lupang pangsakahan paano na ang mga taong nagsasaka.

4. Maaaring mabawasan ang epekto ng pagbabagong ito sa klima ng mundo kung magkakaisa ang mga bansang iwasan ang mga dahilang nagpapalala at nagpapabago sa klima ng mundo.

5. Dapat na tulungan ng gobyerno ang mga magsasaka dahil sila din mismo ay nakikinabang sa mga magsasaka. At dapat ay mas maunlad ang mga magsasaka dahil sila ang pangnahing pinagkukunan natin ng pagkain. At dapat din na mahikayat ang mga tao na magtanim tulad ng mga magsasaka, at dapat tulungan natin ang mga magsasaka.

Batas ukol sa Reporma ng lupa


1. National Rice and Corn Corporation (NARIC)
  - ito ang nagtatakda ng presyo ng bigas at mais upang matulungan ang mahihirap na magsasaka at konsyumer.

2.Batas Republika Blg. 1199 (Pangulong Ramon Magsaysay)
  -batas na nagbibigay ng seguridad sa pagbubungkal ng lupa ng mga magsasaka. Ito ang lumikha ng Court of Agrarian Relations

3.Batas Republika Blg. 3844 ( Pangulong Carlos Garcia)
- ayon sa batas na ito, ang mga nagbubungkal sa lupa ay tinuturing na may ari ng lupa. Inalis din ng batas na ito ang sistemang nagpasimula ng isang malawakang reporma sa lupa.

4.Batas Republika Blg. 6657 (Pangulong Corazon Aquino)
- ito ay ang Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL), ang batas na ito ay nagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Sa ilalim ng programang ito, ang lahat ng pampubliko at pribadong lupaing agrikultura, anuman ang tanimm ay ipamamahagi sa mga magsasaka na walang sariling lupa.

5. Batas ng Pangulo Blg.2 at 27 (Pangulong Ferdinand Marcos)
- ito ay batas kung saan napailalim ang buong bansa sa reporma sa lupa na napakaloob sa Blg.2 . Kaalinsabay nito ipinapatupad din ang blg.27 na nagsasaad na palayain ang mga magsasaka sa kahirapan at paglipat sa kanila bilang nagmamay-ari ng lupang sinasakahan.


Benepisyo ng ekonomiya ukol dito sa aking blog:

- Ang benepisyo na maaring makuha ay:
  • Mas mapaunlad at mapaganda ang bansa.
  • Mabigyan ng pansin ang nasisira nating ekonomiya.
  • Mabigyan ng solusyon ang mga suliraning ikinakaharap ng sektor ng ekonomiya
  • Mailigtas ang nasisira nating ekonomiya
  • Mas umangat ang industriya at agrikultura ng bansa.
Mas mapapaunlad natin ang ating bansa kung tayo mismo ay magtutulungan na paunlarin ito. Nasisira na ang ating ekonomiya kaya dapat ngayon pa lamang ay simulan na nating pagandahin at ibalik sa dating likas na kagandahan ang ekonomiya. Dapat hindi natin sirain ang likas na yaman na ngayon ay unti-unti na nating nasisira. Sana ay nakatulong ng kaunti ang blog na ito upang mapaunlad natin ang ating bansa.



Resources;
Makisig ekonomiks book




2 komento: